Killer ng pulis kulong ng habambuhay
December 9, 2003 | 12:00am
DAET, Camarines Norte Hinatulan ng mababang korte nang parusang habambuhay na pagkabilanggo ang isang 27-anyos na traysikel drayber matapos na mapatunayang nakapatay sa isang kagawad ng pulisya noong Hunyo 1999 sa Barangay Pamorangon ng nasabing bayan.
Sa 14-pahinang desisyon ni Judge Sancho Dames II ng Regional Trial Court Branch 38, pinatawan ng habambuhay si Virgilio Abarca ng Purok 1 Barangay Camambugan na pumatay kay SPO1 Harry Elizes.
Bukod sa habambuhay na hatol ay pinagbabayad din ng korte ng P715,744 bilang danyos perwisyo sa mga naulila ng biktima.
Base sa record ng korte, sinaksak ng akusado ang biktima noong Hunyo 27, 1999 sa harap ng isang club.
Napag-alaman pa sa ulat na binalikan pa ng akusado ang pinangyarihan ng krimen para sunduin ang mga GROs kaya agad naman dinakip sa tulong na rin ng mga nakakilalang testigo. (Ulat ni Francis Elevado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 17 hours ago
By Doris Franche-Borja | 17 hours ago
By Jorge Hallare | 17 hours ago
Recommended