7 NPA rebs nabitag

CAMP AGUINALDO – Pitong kasapi ng rebeldeng New People’s Army (NPA) ang kumpirmadong nabitag ng mga tauhan ng Army’s 902 Infantry Brigade at 3rd Infantry Division sa isinagawang magkahiwalay na operasyon sa Camarines Sur at Bohol kamakalawa. Sumasailalim sa tactical interrogation ang mga rebeldeng sina Noemi Redima, Reynante Redima, Allan Marinas, Patrick Janos Isaac, Diego Gravito, Jo Lazarte at Albeto Minao, alyas Ka Beloy Bonbon. Base sa ulat na nakarating kahapon sa Camp Aguinaldo, Nalambat ang naunang anim na rebelde sa pantalang sakop ng Pacacao, Camarines, samantalang si Miano naman ay nadakip sa Sitio Bagtic, Brgy.Tanawan, Tubigon, Bohol. (Ulat ni Joy Cantos)

Show comments