Kinilala ang nasawi na sina Imam Jamani Ahadin, Brgy. Kagawad Ibung Mabangsa, Bidwari Ahadin at Abdul Mukmin Ahadin, pawang mga residente ng Sitio Marangan, Barangay Muti, Curuan District sa nasabing siyudad.
Batay sa ulat, bandang alas-6:30 ng gabi naganap ang pananambang habang binabagtas ng mga biktima ang ruta pauwi sa kanilang bahay sa Sitio Marangan, Barangay Muti sa nasabing lungsod.
Nabatid na bigla na lamang sumulpot ang mga hindi pa nakikilalang armadong salarin at kasunod nitoy pinaulanan ng bala ang mga biktima.
Mabilis na lumulan ang mga suspek sa Mary May Bus matapos na maisagawa ang krimen.
Lumalabas sa paunang imbestigasyon na alitan ng pamilya kaugnay ng pag-angkin sa lupain ang motibo ng pamamaril. (Ulat ni Joy Cantos)