3 kalansay narekober
December 4, 2003 | 12:00am
CAMP SIMEON OLA Tatlong kalansay na pawang biktima ng summary execution ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA) ang narekober ng tropa ng militar sa masukal at liblib na bahagi ng Gubat, Sorsogon kamakailan.
Sa ulat na nakarating sa tanggapan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Narciso Abaya, dakong alas-2 ng hapon nang mahukay ang pinaglibingan sa tatlong biktima sa bahagi ng kagubatang sakop ng Sitio Alolokdo, Brgy. Manapao, Gubat.
Kinilala ang mga ito na sina Moises Hubilla, miyembro ng CAFGU ng Brgy. Ulag, Prieto Diaz, Sorsogon, kapatid na si Daniel Hubilla, 20, ng Brgy. Ulag, gayundin si Johnny Alimoot, asawa ni Dra. Elena ng Gubat, Sorsogon.
Nabatid na ang tatlong kalansay ay nahukay ng mga elemento ng Charlie Company ng 2nd Infantry Battalion (IB) at 3rd Sorsogon Cafgu Active Auxiliary (CAA) matapos ituro ng isang nakonsensiyang rebel returnee. Ang mga kalansay ay positibong kinilala ng kanilang pamilya sa pamamagitan ng alahas at suot na mga damit ng araw na mawala ito.
Ayon sa pulisya sina Moises at Daniel ay dinukot ng mga tauhan nina alyas Ka Crimson at Ka Jason sa sayawan sa bisinidad ng Brgy. Payawin, Gubat noong Marso 4, 2000. Dinukot naman si Alimoot ng grupo ng mga rebelde noong Mayo 28, 2000 sa Brgy. Paco ng nasabing munisipalidad.
Itinurnover na sa Gubat Municipal Police Station (MPS) ang kalansay ng tatlong biktima para sa kaukulang disposisyon. (Ulat nina Ed Casulla/Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 22 hours ago
By Doris Franche-Borja | 22 hours ago
By Jorge Hallare | 22 hours ago
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am