^

Probinsiya

5 katao pinatay ng mga magnanakaw

-
CABADBARAN, Agusan del Norte – Aabot sa limang sibilyan ang iniulat na nasawi makaraang pagbabarilin ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan na nairita dahil walang makuhang pera sa mga maliliit na negosyante sa Barangay Calamba ng nasabing bayan kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Calamba Barangay Chairman Eduardo Taboada ang mga biktimang napatay na sina Rogelio Dumpas, 50, may-ari ng maliit na tindahan; Rogelio Baldo, Dodoy Elvira, Charlita Garnosa, kasapi ng Civilian Volunteer Organization (CVO) at Godofredo Botella. Ayon kay Taboada na ang mga hindi kilalang kalalakihan ay armado ng malalakas na baril at nagwawalang namaril sa sinumang makasalubong na sibilyan dahil sa walang nakuhang malaking pera mula sa maliliit na negosyante. Nagkaroon ng matinding tensyon sa nabanggit na barangay may 4 hanggang 5 kilometro ang layo mula sa kampo ng militar sa Sitio Mahaba na pinaniniwalaang rebel-infested area. "Saan nakuha ng mga hindi kilalang lalaki ang hawak na malalakas na kalibre ng baril katulad ng M-16 armalite rilfe na ginagamit lamang ng militar at pulisya," ani mga residente ng Brgy. Calamba. (Ulat ni Ben Serrano)

AABOT

BARANGAY CALAMBA

BEN SERRANO

CALAMBA BARANGAY CHAIRMAN EDUARDO TABOADA

CHARLITA GARNOSA

CIVILIAN VOLUNTEER ORGANIZATION

DODOY ELVIRA

GODOFREDO BOTELLA

ROGELIO BALDO

ROGELIO DUMPAS

SITIO MAHABA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with