Pagdukot sa anak ng negosyanteng Tsinoy,naudlot
December 2, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Napigil ang tangkang pagkidnap sa anak ng dating Presidential Adviser ni dating Pangulong Joseph Estrada pero napatay naman ang isa sa dalawang escort nito makaraang pagbabarilin ng mga kidnaper sa kahabaan ng Maestra Vicenta drive sa nasabing lungsod noong Linggo ng madaling-araw.
Nakilala ang napatay na si dating M/Sgt. Amante Comayao, isa sa dalawang security escort ni Richie Wee, 19, anak ni dating Presidential Adviser for Mindanao Affairs Le Peng Wee.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, bago pa maganap ang insidente ay patungo si Richie sa Brgy. Sta. Maria, bandang alas-2 ng madaling-araw para sunduin ang kanyang nobya.
Ayon pa sa pulisya, sakay ng Toyota RAV4 si Richie, kasama ang dalawang escort kabilang na si Amante nang harangin ng Revo at multicab ang kanilang sasakyan.
Agad na bumaba si Amante para komprontahin ang sakay ng Revo at multicab pero paglapit nito sa sinasakyan ng mga kidnaper ay agad na umalingawngaw ang malakas na putok ng baril at duguang bumulagta ang biktima.
Gumanti naman ng sunud-sunod na putok ng baril ang isa pang escort na si M/Sgt. Tito Pacatio kaya napilitang umatras ang mga kidnaper dahil na rin sa rumespondeng mga residente na gumamit din ng baril.
May paniniwala naman ang pulisya na tangkang dukutin ang anak ni Le Peng Wee at walang ibang nasisilip na motibo.
Isiniwalat naman ng isa sa kapamilya ni Wee na bago pa maganap ang tangkang pagkidnap kay Richie ay nakatatanggap na ng pagbabanta si Le Peng Wee.
Pinaigting naman ng kapulisan at tropa ng militar ang seguridad at checkpoint sa naturang lungsod para hindi na maulit pa ang naganap na karahasan.(Ulat nina Roel D. Pareño at Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest