2 NPA patay sa labanan
November 28, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Napaslang ang dalawang miyembro ng New Peoples Army (NPA) habang apat pa ang nasugatan matapos na muling sumiklab ang mainitang sagupaan sa pagitan ng tropa ng militar at mga rebelde sa Masinloc, Zambales kahapon ng umaga.
Ayon kay Armys 24th Infantry Battalion commander Lt. Col. Domingo Tutaan Jr., bandang alas-6:10 ng umaga habang nagsasagawa ng joint patrol ang kanyang mga tauhan at Zambales Provincial Police Office sa Brgy. Sta. Rita nang makasagupa ang mga rebelde.
Agad nagpaputok ang mga rebelde nang mamataan ang paparating na tropa ng pamahalaan kung kaya napuwersa ang militar na gumanti ng putok na nauwi sa mainitang bakbakan.
Tumagal ng 45 minuto ang engkuwentro hanggang sa umatras ang mga rebelde.
Sinabi pa ni Tutaan na base sa impormasyon ng kanilang asset ay kasamang tinangay ng mga rebelde ang bangkay ng mga napatay at ang mga sugatan nilang kasamahan. (Ulat nina Joy Cantos at Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest