5 kasapi ng KFR nalambat

NUEVA ECIJA – Lima-katao na pinaniniwalaang grupo ng napatay na lider ng kidnap-for-ransom na si Roberto O. Yap ang nalambat ng pulisya noong Sabado ng hapon sa Central Transport Terminal sa Barangay H. Concepcion, Cabanatuan City.

Kabilang sa nadakip habang lulan ng Nissan Sentra (UPW-230) na umano’y kinarnap ay nakilalang sina Ruel Corpuz, alyas Weng, 48 ng Mabalacat, Pampanga; Zaldy Jumagdao, 34 ng Tondo, Maynila; Carina Garcia, 24 ng Santiago, Isabela; Girlie Corpuz, 23 ng Bldg. 17, T.H. Aroma, Tondo, Maynila; at Nena Cabatingan, 22 ng Dau, Mabalacat, Pampanga. Inamin naman nina Ruel at Zaldy na sangkot sila sa pagdukot kina Pilar Pelayo ng Angeles City; Gonzalo Go ng Tondo, Manila noong Agosto 12, 2003 at kay Baby Ongsun ng Pasig City noong Abril 13, 2003. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments