^

Probinsiya

Mag-iinang kinidnap nasagip

-
CAMP AGUINALDO – Matapos ang ilang buwang pagkakabihag, matagumpay na nasagip ng militar ang mag-iinang kamag-anak ng isang alkalde sa isinagawang operasyon sa Brgy. Kapago, Tuburan, Basilan, kamakalawa ng madaling araw.

Sa ulat ng tanggapan ni Army Chief Major Gen. Efren Abu, kinilala ang mga nasagip na bihag na sina Nurhaina Hayudini, 30, ng Anuling, Patikul, Sulu at dalawa nitong anak na babae na sina Jerada, 6 at Fermina, 1 taong gulang.

Nabatid na si Nurhaina ay kapatid ni Mayor Hasib Hayudini ng Patikul, Sulu.

Base sa imbestigasyon, ang mga biktima ay dinukot ng mga hindi kilalang armadong kalalakihan sa Pantalan ng Zamboanga City noong Agosto 2003.

Ang mga kidnaper na tinukoy lamang sa alyas na Eling, Rony at Masbon ay humihingi ng P1 milyon ransom kapalit ng pagpapalaya sa mga bihag.

Ayon kay Army Spokesman Lt. Col. Joselito Kakilala, ang mga biktima ay nailigtas ng mga elemento ng 17th Basilan Cafgu Active Auxiliary (CAA) na pinamumunuan ni Sgt. Catequita sa ilalim ng 18th Infantry Battalion (IB) ng Phil. Army sa bisinisad ng Brgy. Kapago sa bayan ng Tuburan dakong alas-2:30 ng madaling araw.

Kasalukuyang sinusuyod ng tropang gobyerno ang lugar nang matunugan ang mga kidnaper kaya napilitang abandonahin ang mag-iina sa takot na masukol.

Sinabi ni Kakilala na ang mga nasagip na bihag ay dinala na sa kampo ng 18th IB na nakabase sa Brgy. Campo Uno, Lamitan, Basilan at nakatakdang sunduin ng kanilang pamilya. (Ulat ni Joy Cantos)

ARMY CHIEF MAJOR GEN

ARMY SPOKESMAN LT

BASILAN

BASILAN CAFGU ACTIVE AUXILIARY

BRGY

CAMPO UNO

EFREN ABU

INFANTRY BATTALION

JOSELITO KAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with