Napag-alaman sa ulat na sinusuyod na ng mga awtoridad ang posibleng pinagkukutaan ng mga kasapi ng Jemaah Islamiyah na sakop ng Saranggani, South Cotabato at ilang bayan sa North Cotabato.
Ang mga ahente ng BI na hawak ang litrato ng mga kasapi ng JI ay mula sa Pakistan, Egypt at Indonesia. Karamihan ay kinakanlong ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF).
Nabatid pa sa ulat na ang JI ay nagsanay sa Camp Abubakar sa Parang, Maguindanao noong 1997 at nanatiling nasa bansa at naghihintay lamang ng pagkakataong maghasik ng terorismo sa ilang bahagi ng Mindanao at Metro Manila sa darating na araw. (Ulat ni Edith R. Regalado)