Bahay ng board member niratrat ng MILF rebs
November 16, 2003 | 12:00am
CAMP AGUINALDO Niyanig ng sunud-sunod na pagsabog ang compound ng bahay ng isang board member matapos na paulanan ng rocket-propelled grenade ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa Datu Saudi Ampatuan, Maguindanao, ayon sa ulat kahapon.
Base sa ulat, dakong alas-11 ng gabi nang yumanig sa compound ng bahay ni 2nd District board member Datuwata Dimaukom Adsiz matapos na puntiryahin ito ng rocket-propelled grenade ng tinatayang may 100 MILF rebel na nakaposisyon may 100 metro ang layo sa Brgy. Lower Salvo sa nasabing bayan. Ang mga rebeldeng MILF ay pinamumunuan umano nina MILF Commanders Wahid Tundok,Udin Dumpao, Ustadz Macmod Matua, Hadji Macmod, Talimbo Tamano, Samad Simpal at isang tinukoy lamang sa alyas na Kadalim.
Maliban sa pagpapaulan ng grenade ay pinuntirya rin ng mga rebelde ng 50 home-made machine gun at iba pang uri ng armas ang bahay ng nasabing opisyal. Wala namang naiulat na nasugatan sa pamilya ng nasabing board member na pinaniniwalaang hina-harass ng MILF rebel upang mapilitan itong magbayad ng revolutionary tax sa kanilang grupo. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest