Brgy. tanod todas sa amok

NUEVA ECIJA – Nasaksak at napatay ang isang 49-anyos na barangay tanod makaraang umawat sa nag-amok na senglot sa Barangay Baloy, Cuyapo, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay habang ginagamot sa Guimba District Hospital si Juan Agpalo matapos na saksakin ng tatlong ulit sa katawan ng suspek na si Alfredo Anselmo, 40 at ngayon ay naghihimas ng rehas na bakal sa himpilan ng pulisya. Napag-alaman sa pagsisiyasat ng pulisya na lango sa alak ang suspek at naghahamon ng away sa mga dumaraang residente hanggang sa dumating ang biktima. Tinangkang payapain ng biktima ang nagwawalang suspek na may hawak na patalim subalit inundayan ng tatlong saksak na ikinasawi nito. (Ulat ni Christian Ryan Sta.Ana)

Show comments