Bangko hinoldapL 1 patay, 1 nadakip
November 12, 2003 | 12:00am
HAGONOY, Bulacan Naging madugo ang naganap na holdapan sa isang bangko makaraang mapatay sa barilan ang holdaper at naaresto naman ang isa, samantala, nakapuga ang dalawa nitong kasama tangay ang P.6 milyon kahapon sa Barangay San Pascual ng naturang bayan.
Nakilala ang napatay na holdaper na si Renato Reyes ng 233 J.P. Rizal, Makati City, samantalang nakilala naman ang nasakoteng isa sa suspek na si Rolando Peria, 30 ng Barangay Almanza, Las Piñas City.
Nakilala lamang ang dalawang nakatakas sa alyas Gaudi ng Bicol at Louie ng Sucat, Parañaque City.
Narekober naman ng pulisya ang dalawang baril at ibat ibang bala partikular na ang ginamit na taxi ng mga holdaper na may plakang WKH-689.
Base sa ulat ng pulisya na isinumite kay P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr., pinasok ng apat na holdaper ang East Cost Bank sa nabanggit na barangay bandang ala 1 ng hapon.
Nakatunog naman ang mga tauhan ni Serapio kaya agad na nagresponde pero nakipagbarilan ang mga holdaper hanggang sa mapatay ang isa.
Hindi naman maipaliwanag ng pulisya kung ang nasabing halaga ay tinangay nga ng dalawang holdaper na tumalon sa ilog dahil walang nakitang anumang dalang bag na paglalagyan ng P.6 milyon. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended