^

Probinsiya

4 holdaper nasakote

-
CAVITE – Hindi na nakapalag pa ang apat sa siyam na holdaper ng bangko makaraang masakote ng pulisya sa naganap na engkuwentro sa kahabaan ng Barangay Burol Main, Dasmariñas, Cavite kahapon ng umaga.

Nakapiit ngayon sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus ang mga suspek na sina Dodong Go, Oscar Viola, Rodrigo Domingo at Antonio Solis.

Tinamaan naman ng ligaw na bala at kasalukuyang ginagamot sa UMC Hospital ang mga biktimang sina Jeorge Banilla, sikyu at Raga Dumalaon estudyante.

Narekober naman sa mga suspek ang apat na sasakyang may plakang WGM-218 (Starex Van); PSF-955 (Toyota Corolla); WTU-281 (Adventure) at WJJ-854 (Lancer).

Napag-alaman sa ulat ng pulisya, naitala ang engkuwentro bandang alas-9:30 ng umaga matapos na matunugan ng mga awtoridad ang isinasagawang holdap sa automatic teller machine (ATM) ng Development Bank of the Philippines malapit sa UMC Hospital.

Dito nagkaroon ng habulan hanggang sa magkaputukan na ikinasugat ng dalawa at si SPO2 Mojares. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

vuukle comment

ANTONIO SOLIS

BARANGAY BUROL MAIN

CAMP PANTALEON GARCIA

CRISTINA G

DEVELOPMENT BANK OF THE PHILIPPINES

DODONG GO

JEORGE BANILLA

OSCAR VIOLA

RAGA DUMALAON

RODRIGO DOMINGO

STAREX VAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with