Inamin naman ng grupong Kilusang Larangang Gerilya-Silangan Bulakan ng NPA ang naganap na panununog matapos na magreklamo sa kanila ang mga residente na nalalagay sa panganib ang kapaligiran.
Sinabi naman ni P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr. Bulacan provincial director na ang mga sinunog ay pawang backhoes na ginagamit ng mga illegal operator na hindi makapasa sa environmental standards ng lokal na pamahalaan sa paghahakot ng graba at buhangin sa ilog na sakop ng dalawang barangay.
Wala naman iniulat na nasawi o nasugatan sa naganap na pangyayari maliban sa milyong ari-arian ang winasak ng mga rebelde. (Ulat ni James Mananghaya)