^

Probinsiya

Anak ng German consul timbog sa shabu

-
BAGUIO CITY – Bumagsak sa kamay ng mga awtoridad ang 18-anyos na lalaki na pinaniniwalaang anak ng German consul kasama ang kanyang syotang mestisa makaraang maaktuhang nagbebenta ng bawal na droga sa naturang lungsod noong nakalipas na linggo.

Sa naantalang ulat mula kay P/Chief Supt. Danilo Flordeliza, chief ng Phil. Drug Enforcement Agency-CAR, bineberipika pa sa German embassy kung ang suspek na si Marco Philippie Rauol Brunlingerr, 18, ay anak nga ng consul.

Base sa ulat ng PDEA-CAR, si Marco, kasama ang kanyang nobyang Spanish mestisa na si Kly Sherre Palaganas Caballera, 18, ay naaktuhan ng mga awtoridad na nagbebenta ng 2.1 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P6,300.

Ang dalawa ay inilipat na ng Baguio City Jail bago mag-Undas matapos na sampahan ng kaukulang kaso sa City Prosecutor’s Office.

Kasunod nito, inaresto naman ng PDEA si Arnulfo Lopez Pangandaman, 31, may asawa ng 120 Pinewood St., Crystal Cave, Central Bakakeng makaraang makumpiskahan ng 0.9 gramo ng shabu na tangkang ipagbili sa nagpanggap na poseur buyer na pulis. (Ulat ni Artemio A. Dumlao)

ARNULFO LOPEZ PANGANDAMAN

ARTEMIO A

BAGUIO CITY JAIL

CENTRAL BAKAKENG

CHIEF SUPT

CITY PROSECUTOR

CRYSTAL CAVE

DANILO FLORDELIZA

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

KLY SHERRE PALAGANAS CABALLERA

MARCO PHILIPPIE RAUOL BRUNLINGERR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with