Adik sa droga nag-suicide

GAINZA, Camarines Sur – May posibilidad na hindi makayanang pigilin ang pagiging adik sa bawal na droga kaya nagdesisyong magbigti ang isang 21-anyos na binata sa likurang bahagi ng kanilang bahay sa Barangay Dahilig sa bayang ito kahapon ng umaga. Bandang alas-8 ng umaga nang matagpuang nakabitin sa punong kahoy ang biktimang si Rolando Agor Jr. Napag-alaman pa sa imbestigasyon ng pulisya na ang biktima ay labas-pasok sa Tagaytay Rehabilitation Center dahil sa pagkalulon sa bawal na droga. Matapos na mahimasmasan sa matinding bisyo ay nagsimula na naman gumamit ng droga ang biktima hanggang sa magdesisyong magbigti. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments