^

Probinsiya

7 robbery/holdup gang timbog

-
Suyo, Ilocos Sur – Pinaniniwalaang nalansag na ang isang notoryus na robbery/holdup gang na responsable sa pagtangay ng mahigit P.5 M sa isang niloobang credit cooperative matapos masakote ang lider ng grupo at anim nitong tauhan sa isinagawang operasyon sa bayang ito kamakalawa.

Kinilala ang mga nasakote na sina Mando Mariacos, 36; itinuturong lider ng grupo; France Kiaso; Gerald Aleng-eng, 26; Allen Wasepen, 23; Alex Lingayen, 21; Ric Lambino, 25 at Zaldy Ligayo, 27 taong gulang.

Sa ulat, ang mga suspek ay nasakote lulan ng isang Toyota Hi-Ace van na may plakang URN 436 may ilang kilometro ang layo mula sa niloobang Credit Cooperative sa bayan ng Suyo ng nasabing lalawigan dakong 11:45 ng gabi. Puwersahan umanong pinasok ng mga suspek ang nasabing kooperatiba at pinukpok ng matigas na bagay sa ulo ang natutulog na guwardiyang si Bladimer Anaen na mabilis na isinugod sa pagamutan.

Nasukol ang mga suspek sa inilatag na dragnet operations ng mga awtoridad at nasamsam sa pag-iingat ng mga ito ang P512,195 cash, tseke na umaabot sa P198,453.50 at isang 12 gauge shotgun ng security guard na si Anaen. (Ulat ni Myds Supnad)

ALEX LINGAYEN

ALLEN WASEPEN

BLADIMER ANAEN

CREDIT COOPERATIVE

FRANCE KIASO

GERALD ALENG

ILOCOS SUR

MANDO MARIACOS

MYDS SUPNAD

RIC LAMBINO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with