^

Probinsiya

Sindikato ng maninikwat nalansag

-
CAMP HEN. ALEJO SANTOS, Bulacan – Isang maninikwat ng mga kargamento ang kumpirmadong napatay, samantala, anim pa ang nasakote kabilang na ang dalawang sugatan makaraang salakayin ng mga tauhan ng pulisya ang bodega sa Agro Industrial Subdivision sa Barangay Pio Cruzcosa, Calumpit, Bulacan kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang nasawing si Jessie Sarabusing, 35 ng Pier 18, North Harbor, Tondo, Manila; samantalang ang mga nadakip naman ay nakilalang sina Fernando Villagonsa, 29, ng Tondo, Manila; Manalo Gonzaga, 32, ng Barangay Putatan, Alabang, Muntinlupa City na kapwa nasugatan sa pakikipagbarilan; Nito Sarabusing, 29; Aroel Cullada, 21; Noveleta Cunato, 33, na pawang residente ng Tondo, Manila at Ronald Pico, 26, ng Phase I Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Base sa ulat na isinumite kay P/Sr. Supt. Felizardo Serapio Jr., Bulacan provincial director, bago salakayin ang bodega ay nakatanggap ng impormasyon ang mga kagawad ng pulisya tungkol sa sinikwat na dalawang cargo truck na may plakang THN-195 at PRN-432 sa Plaridel, Bulacan.

Ayon pa sa ulat ng pulisya, narekober ang P5.4 milyong kargamentong kape at pagkain sa manok habang kinumpiska naman ang L300 Mitsubishi van (WPH-768) at nasamsam sa mga suspek ang granada at baril. (Ulat ni Efren Alcantara)

AGRO INDUSTRIAL SUBDIVISION

AROEL CULLADA

BARANGAY PIO CRUZCOSA

BARANGAY PUTATAN

BULACAN

CALOOCAN CITY

EFREN ALCANTARA

FELIZARDO SERAPIO JR.

FERNANDO VILLAGONSA

JESSIE SARABUSING

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with