Utak sa GenSan bombing timbog
October 27, 2003 | 12:00am
CAMP CRAME Nalambat ng pulisya ang itinuturing na utak sa GenSan bombing ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) sa isinagawang operasyon sa nasabing lungsod kamakalawa.
Si Guidato Mamanatal Dulang ay itinuturing na ikalawang pinakamataas na opisyal ng rebeldeng MILF sa Special Operation Group (SOG) at gumagamit ng mga alyas na Matalam Mamantal Guidatu, Commander Gimbo Dulang at Bimbo Dulang Co at residente ng Balong, Datu Piang, Maguindanao.
Base sa ulat, si Dulang ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Gaydefredo Ocampo sa kasong murder at frustrated murder at walang piyansang inirekomenda.
Ayon pa sa ulat na ang suspek ay nalambat sa bisinidad ng Bio Crest Feedmill compound na sakop ng General Santos City.
Kabilang din sa dinakip na kasama ni Dulang ay sina Jimmy Matalam Salamat at Edgar Ali Aton Gubat na nagturo sa kinaroroonan ng GenSan bomber. (Ulat ni Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
By Tony Sandoval | 36 minutes ago
By Doris Franche-Borja | 36 minutes ago
By Jorge Hallare | 36 minutes ago
Recommended