Sarhento patay sa car accident
October 26, 2003 | 12:00am
NUEVA ECIJA Isang 43-anyos na sarhento ng Philippine Army (PA) ang iniulat na nasawi sa naganap na banggaan ng sasakyan sa kahabaan ng highway na sakop ng Barangay Mapalad, Sta. Rosa, Nueva Ecija kamakalawa ng gabi.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Master Sergeant Robert Valdez, may asawa ng Barangay Camp Tinio, Cabanatuan City at nakatalaga sa Jago, Tradoc, Fort Magsaysay, Palayan City.
Samantala, sumuko naman sa pulisya ang driver ng M36 Army truck na si Staff Sergeant Sean Tipay, 38, ng Pada-Pada, Sta. Ignacia, Tarlac at nakadestino sa SSBN 71st Battalion ng Phil. Army, Fort Magsaysay, Palayan City.
Base sa imbestigasyon ng pulisya, bumabagtas sa naturang highway ang owner-type jeep ng biktima nang salpukin ng truck ni Tipay na nawalan ng kontrol bandang alas-9:10 ng gabi.
Ayon pa sa ulat, bukod sa nasalpok ang dyip ng biktima ay nakaladkad pa ito ng ilang metro na naging sanhi para maipit at tuluyang mamatay. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest