Misis ng pulis nag-suicide

NUEVA ECIJA – May posibilidad na hindi nakayanan ang pampinansiyal na problema sa negosyo kaya nagbaril at namatay ang isang 33-anyos na misis ng pulis sa Barangay Poblacion Sur, Rizal, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga, ayon sa pulisya.

Ang biktimang nagbaril sa sentido at hindi na umabot pa ng buhay sa Dr. Bautista Medical Clinic ay nakilalang si Junerlyn Miguel, asawa ni PO2 Bayani Miguel Jr. Base sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang pangyayari dakong alas-8 ng umaga noong Lunes at nag-iwan ng suicide note tungkol sa suliraning pinansiyal ng biktima.

Pansamantalang hindi nabatid ang resulta ng paraffin test na isinagawa sa biktima. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)

Show comments