2 mandurugas nasakote

RIZAL – Dalawang mandurugas na kasapi ng Budol-Budol Gang ang dinakip ng mga tauhan ng Rizal-Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa isinagawang entrapment sa Brookside Subdivision, Cainta, Rizal kamakalawa. Ang mga suspek na pinaniniwalaang nagpapakalat ng pekeng P1,000 at P500 ay nakilalang sina Juanito Uruguel, 67, lider ng naturang gang at residente ng Bautista compd. sa Barangay Hagonoy, Taguig at Danilo Parang, 37, ng Area 2, Luzon Avenue, Quezon City. Sa pagsisiyasat, inamin ng dalawa na 20 taon na nilang ginagawa ang modus operandi sa buong Rizal at karatig pook. Ang pagkakadakip sa dalawang suspek ay makaraang alukin nila ng malaking halaga na pawang pekeng ang isang tauhan ng CIDG na nagpanggap na negosyante para ipakalat sa iba. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments