Mister itinumba sa kalye

CAVITE – Pinagbabaril hanggang sa mapatay ang isang 31-anyos na mister ng empleyado ng Senado habang ang biktima ay naglalakad sa kahabaan ng Barangay Sampalok 4, Dasmariñas, Cavite kamakalawa ng gabi. Kinilala ng pulisya ang biktimang si Sherwin Bonot ng Block 105 Lot 17 Bahay Pangarap Subdivision ng nabanggit na barangay. Agad naman tumakas ang suspek na si Prudencio Gerardino, 33, ng Block 106 Lot 12 ng naturang lugar. May teorya ang pulisya na matinding alitan ang namagitan sa dalawa kaya naganap ang krimen. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

Show comments