^

Probinsiya

Anak binuhusan ng kulong-tubig ng ama

-
CAMP CRAME – Kalunus-lunos ang sinapit ng isang siyam na taong gulang na batang lalaki matapos banlian ng kumukulong tubig ng adik nitong ama nang walang maibigay na perang pambili ng kanyang bisyo nitong Martes sa loob ng kanilang bahay sa Zamboanga City.

Kinilala ang suspek na si Noynoy Masangot, walang hanapbuhay, nasa hustong gulang.

Ang suspek ay agad dinakip ng mga nagrespondeng operatiba ng pulisya matapos isuplong ng kanilang kapitbahay.

Ang biktima na itinago sa pangalang Boy ay sinamahan ng kanyang mga kapitbahay sa istasyon ng pulisya.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Women and Children’s Concern Section (WCCS) ng Zamboanga City Police Station, ang insidente ay naganap kamakalawa bandang alas-4 ng hapon sa Lower Calarian ng nasabing lungsod.

Ayon sa imbestigasyon, humihingi ng pera ang suspek sa kanyang anak mula sa kinita nito sa pagtitinda ng sigarilyo at kendi pero walang maibigay ang bata kaya nagalit ang ama.

Nagkataon namang may pinakukulong tubig sa kusina na kinuha ng suspek at isinaboy sa mukha ng anak na nagkalapnos-lapnos.

Hindi pa nakuntento ang suspek ay tuluyang binuhusan ng tubig ang murang katawan ng anak sa kabila ng pagmamakaawa nito at pag-iyak.

Matapos parusahan ang anak ay galit pang umalis ng bahay ang nagmumurang addict na suspek.

Nagawa namang makalabas ng kanilang bahay ang bata kung saan ay dinala ito sa himpilan ng pulisya ng kanyang mga nagmalasakit na kapitbahay.

Itinurn-over na ang bata sa Lingap Center na matatagpuan sa San Roque ng lungsod habang pinaghahanap pa rin ng pulisya ang suspek. (Ulat ni Joy Cantos)

CONCERN SECTION

JOY CANTOS

LINGAP CENTER

LOWER CALARIAN

NOYNOY MASANGOT

SAN ROQUE

SUSPEK

WOMEN AND CHILDREN

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA CITY POLICE STATION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with