Ambush:2 Cafgu ligtas

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City – Himalang nakaligtas sa tiyak na kamatayan ang dalawang kasapi ng Civilian Armed Forces Geographical Unit (CAFGU) makaraang tambangan ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) habang ang mga biktima ay nagmomotorsiklo sa kahabaan ng Barangay Contod sa Gubat, Sorsogon kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktimang nagtamo ng sugat sa katawan at idineklarang ligtas ay nakilalang sina Arnel Fuenzalida at Aries Padua na kapwa nakatalaga sa 21st Infantry Battalion na nakabase sa Barangay Luneta, Barcelona, Sorsogon.

Naitala ang pananambang dakong alas-6:45 ng gabi habang ang dalawa ay nagmomotorsiklo patungo sa kanilang kampo.

Agad na nagsitakas ang mga rebelde matapos na matunugang may nagrespondeng tauhan ng pulisya at militar. (Ulat ni Ed Casulla)

Show comments