^

Probinsiya

Nabundol na bata,itinapon ng driver sa bakanteng lote

-
ANTIPOLO CITY – Para mapagtakpan ang krimeng ginawa itinapon ng isang driver ang kanyang nabundol na isang 11-anyos na bata na sa halip dalhin sa pagamutan sa kahabaan ng Sumulong Hi-way ng nasabing lungsod kamakalawa.

Batay sa ulat, naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng gabi sa kahabaan ng Sumulong Hi-way ng nasabing lungsod.

Kasalukuyang binabagtas ng suspek ang nasabing lugar sakay ng kanyang minamanehong Starex van (WKC-779) nang mabundol nito ang papatawid na biktima na si Walter Bagagnan Jr., estudyante at residente ng Sitio Saguiran, Brgy. Sta. Cruz ng lungsod na ito na tumilapon ng ilang metro.

Inihinto umano ng suspek ang kanyang sasakyan subalit imbes na dalhin sa ospital ang biktima ay agad itong binuhat at itinapon sa isang bakanteng lote na malapit sa pinangyarihan ng insidente at mabilis na bumalik sa kanyang sasakyan at tumakas.

Nakita naman ang biktima ng isang babaeng nagdadaan sa nasabing lugar at mabilis na isinugod sa Amang Rodriguez Medical Center subalit namatay na ito habang ginagamot dahil sa mga natamong pinsala sa buong katawan.

Kahapon ng umaga ay kusang loob na sumuko ang suspek na si Felix Mallas sa pulisya kasama ang amo nitong si Marlo Guiao matapos makunsensiya.

Nakakulong ngayon ang suspek sa Antipolo City detention cell habang inihahanda ang kasong reckless imprudence resulting to homicide. (Ulat ni Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ANTIPOLO CITY

BATAY

BRGY

EDWIN BALASA

FELIX MALLAS

MARLO GUIAO

SITIO SAGUIRAN

SUMULONG HI

WALTER BAGAGNAN JR.

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with