Isinailalim na sa deportation proceeding ng Bureau of Immigration and Deportation sa kautusan ni BI Commissioner Andrea Domingo ang suspek na si Jasem A. J. Alhasan.
Napag-alaman pa sa ulat na ang pagkakaaresto kay Alhasan ay batay sa ipinalabas na mission order ni Domingo dahil na rin sa kahilingan ng militar matapos na tiktikan ang suspek.
Base sa ulat ng intelligence unit ng militar, si Alhasan ay sangkot sa operasyon ng Abu Sayyaf partikular na ang grupong Jimaah Islamiyah.
Malimit din mamataan si Alhasan sa kampo ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) simula pa noong 1998 kaya malaki ang paniniwala ng mga awtoridad na galamay ng JI ang suspek at nakikipag-ugnayan sa mga lokal na terorista.
Kinumpirma rin ng Kuwaiti Travel Records (KTR) na si Alhasan ay may dalawang pasaporte na magkaiba ang pangalan simula pa noong 1998 na ginagamit patungo sa ibang bansa partikular na sa bansa. (Ulat ni Grace dela Cruz)