^

Probinsiya

DLSU prof timbog sa kotong

-
CAMP PANTALEON GARCIA, Cavite – Ipinagharap ng kasong robbery/extortion ang isang professor ng De La Salle University sa Dasmariñas, Cavite, matapos itong ireklamo ng kanyang 3 estudyante hinggil sa umano’y pangongotong sa kanila kapalit umano para sila ay pumasa matapos maaresto sa isinagawang entrapment operation sa Brgy. Burol 2 ng nabanggit na bayan, kamakalawa ng hapon.

Ang mga biktima na nagharap ng kaso ay sina Tristan Troy Rocas, 21; Victor Pillado, 22 at Michael Sevilla, 20, pawang mga HRM student sa nasabing eskuwelahan.

Ang suspek ay nakilalang si Alexander Rible, 34, may-asawa, residente ng Cavite City.

Sa reklamo ng mga biktima sa pulisya, hinihingian umano sila ng halagang P500 pesos bawat isa kapalit upang sila ay makapasa.

Agad na nagsumbong sa pulisya ang mga biktima at isinagawa ang entrapment sa labas ng eskuwelahan at dito ay inaresto ang suspek habang iniaabot ang pera. (Ulat ni Cristina G. Timbang)

ALEXANDER RIBLE

BRGY

BUROL

CAVITE

CAVITE CITY

CRISTINA G

DE LA SALLE UNIVERSITY

MICHAEL SEVILLA

TRISTAN TROY ROCAS

VICTOR PILLADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with