Base sa inisyal na ulat, ang mga mag-aaral na mula sa Sabat-Simaron Elementary School ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos na kumain ng hamburger na ipinagbili ng kanilang guro.
Agad namang isinugod ng ilang guro sa pinakamalapit na ospital ang mga biktimang mag-aaral na may edad na 9 hanggang 12 -anyos.
Sa kasalukuyan ay pinaiimbestigahan ni Dr. Aristeo Baldos ng Provincial Health Office ang naganap na pangyayari habang sinagot naman ang lahat ng gastos ng mga biktima sa pinagdalhang ospital.
May teorya naman ang mga awtoridad na pinilit pa ring ipagbili sa mga mag-aaral kahit panis na ang hambuger. (Ulat ni Edith Plata)