69 mag-aaral nalason sa hamburger na kinain
September 18, 2003 | 12:00am
ORIENTAL MINDORO Aabot sa animnaput siyam na mag-aaral mula sa elementarya ang iniulat na nalason sa kinaing hamburger na ipinagbili ng guro sa Barangay Sta. Isabel, Calapan City, Oriental Mindoro noong Biyernes, Setyembre 12, 2003.
Base sa inisyal na ulat, ang mga mag-aaral na mula sa Sabat-Simaron Elementary School ay nakaramdam ng pananakit ng tiyan at pagsusuka matapos na kumain ng hamburger na ipinagbili ng kanilang guro.
Agad namang isinugod ng ilang guro sa pinakamalapit na ospital ang mga biktimang mag-aaral na may edad na 9 hanggang 12 -anyos.
Sa kasalukuyan ay pinaiimbestigahan ni Dr. Aristeo Baldos ng Provincial Health Office ang naganap na pangyayari habang sinagot naman ang lahat ng gastos ng mga biktima sa pinagdalhang ospital.
May teorya naman ang mga awtoridad na pinilit pa ring ipagbili sa mga mag-aaral kahit panis na ang hambuger. (Ulat ni Edith Plata)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended