^

Probinsiya

SULYAP BALITA

-
Trader Ginilitan Ng Magnanakaw
LIGAO CITY – Dalawang ulit na ginilitan at napatay ang isang 23-anyos na trader ng mga hindi kilalang lalaki makaraang pasukin ang bahay ng biktima sa Sitio Riverside, Barangay Pandan sa lungsod na ito kahapon.

Ang bangkay ng biktima na natagpuan bandang alas-12 ng tanghali ay nakilalang si Florence Padilla, samantala, ang hindi kilalang magnanakaw na pinaniniwalaang kakilala ng biktima ay naglahong parang bula.

Inaalam pa ng pulisya ang halaga at ari-arian ng biktima na tinangay ng mga mandurugas. (Ulat ni Ed Casulla)
Magsasaka Pinatay Ng Mga Rebelde
NUEVA ECIJA – Isang 52-anyos na magsasaka ang iniulat na pinatay matapos na patuluyin at pakainin ng biktima sa sariling bahay ang dalawang rebeldeng New People’s Army (NPA) ng Barangay DL Maglanoc, Carranglan, Nueva Ecija kamakalawa ng hapon.

Apat na tama ng bala ng baril ang tumapos sa buhay ni Felipe Liva, samantala, ang dalawang rebelde na pinakain ng biktima ay palakad na tumakas bandang alas-3:30 ng hapon matapos na isagawa ang krimen, ayon sa impormasyong nakalap ng pulisya.

Nabatid pa na bago maganap ang pangyayari ay nakiusap ang dalawang rebelde na makikain at matapos na pagsilbihan ng biktima ay isinagawa ang pamamaslang sa hindi nabatid na dahilan. (Ulat ni Christian Ryan Sta. Ana)
Mag-Asawang NPA Sumuko
CAMP AGUINALDO – Dahil sa lumalalang demoralisasyon sa hanay ng makakaliwang kilusan ay nagpasyang sumuko sa pamahalaan ang mag-asawang New People’s Army (NPA) na may operasyon sa Barangay Cabatuan, Danao, Bohol, ayon sa ulat ng militar kahapon.

Isinailalim na sa tactical interrogation ang mag-asawang NPA na sina Constancio Bunio at misis nitong si Teresita Bunio na kapwa tauhan ni Cesar Estorba, alyas Ka Aryong ng Front Committee 3 sa Central Visayas Regional Party Committee (CVRPC).

Inamin ng mag-asawa na nagre-recruit sila ng mga menor-de-edad para maging rebelde kabilang na ang kanilang anak na si Albert, 15-anyos. (Ulat ni Joy Cantos)
Misis Ginulpi Sa Ospital
DAET, Camarines Norte – Gulpi-sarado ang inabot ng isang 28-anyos na misis sa sariling mister matapos na abutang natutulog sa Lourdes Hospital habang nagbabantay ng may sakit na anak kahapon ng umaga.

Luhaang dumulog sa himpilan ng pulisya ang biktimang si Jovi Ibana ng Tuaca, Basud, Camarines Norte.

Samantala, ang suspek na mister ay nakilalang si Noel Ibana na sasampahan ng kaukulang kaso.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na dinatnan ng suspek ang sariling misis na natutulog sa tabi ng may sakit na anak at sa pag-aakalang pinabayaan ay sinimulang suntukin ang may ilang ulit sa katawan ang biktima pero natigil lamang ang pananakit matapos na awatin ng mga guwardiya. (Ulat ni Francis Elevado)

vuukle comment

BARANGAY CABATUAN

BARANGAY PANDAN

BIKTIMA

CAMARINES NORTE

CENTER

CENTRAL VISAYAS REGIONAL PARTY COMMITTEE

NEW PEOPLE

ULAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with