Killer na preso nakapuga

BAYOMBONG, Nueva Vizcaya – May posibilidad na nasalisihan ang ilang guwardiya ng provincial jail makaraang makapuga ang isang presong killer kamakalawa ng hapon sa naturang lalawigan.

Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang puganteng si Gemma Odlico, 23, ng Barangay Bugnay, Quezon, Nueva Vizcaya na inakusahang pumatay sa isang lalaki sa videoke bar sa bayan ng Solano noong Mayo 13, 2003.

Lumalabas na bandang alas-2:30 ng hapon nang palabasin ang pugante kasama ang tatlong lady guard para maglinis sa labas ng kulungan at sa hindi inaasahang pagkakataon ay sinalisihan ang mga guwardiya. (Ulat ni Victor P. Martin)

Show comments