Sa ulat na nakarating kay Quezon police director Police Senior Superintendent Federico Terte, kinilala ang mga namatay na sina Edgardo Villavicencio, 22, ng Pasig City; Joseph Magbanua, 25, ng Malolos, Bulacan; at Joseph Mendoza, 30 ng Pasig City.
Kasalukuyan namang ginagamot sa Doña Marta Hospital ang drayber na si Pablito Velasco, 28, ng Cainta, Rizal.
Sa imbestigasyon ni SPO1 Godofredo Patinio, bandang alas-9:45 ng umaga nang bumabagtas ang minamanehong trak ni Velasco patungo sa Tacloban, Leyte para mag-deliver ng mga libro.
Lumalabas sa pagsisiyasat ng pulisya, nasiraan ang makina ng trak habang mabilis na tumatakbo sa naturang highway hanggang sa tatlong ulit na bumaligtad ang sasakyan na ikinamatay ng 3 pahinante. (Ulat ni Tony Sandoval)