OFW na pinatay sa Taiwan tinulungan ni FG

Pinagkalooban ni First Gentleman Mike Arroyo ng tulong pinansiyal ang pamilya ng isang Pinay na pinatay sa Taiwan matapos na ito ay humingi ng saklolo kay Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo para makamit ang hustisya.

Ang tulong na pinansiyal ni Ginoong Arroyo ay tinanggap mula kay Ignacio "Iggy" Arroyo, nakababatang kapatid ng Unang Ginoo ng dalawang kapatid ng pinatay na si Maria Yda Mesa Chang, 30, tubong Jaro, Iloilo City at residente ng Taitung City sa Taiwan.

Ayon sa ina ni Yda na si Teresita, 63 anyos na siyang humingi ng tulong sa Pangulo na nais nilang maipabalik sa Pilipinas ang labi ng anak at makuha ang apo nitong si Sheena, 5 anyos.

Sinabi ni Marigold, isa sa kapatid ng biktima na ang tulong lamang ng pamahalaan ang kanilang inaasahan upang makamit ang hustisya sa pagkamatay ng kanilang kapatid.

Si Yda ay pinatay sa saksak noong Agosto 21 sa kanilang tirahan sa Taiwan ngunit ayon kay Marigold, nalaman lamang nila ito noong Agosto 25 nang itawag sa kanila ni Ellen na isa sa mga kaibigan nito.

Show comments