Ang mga nasugatan ay nakilalang sina Gerardo Otero, Edward Dayrit, Alfredo Villanueva, Leonardo Asuncion, Cyrel Peñafiel at Ronaldo Marfa, pawang mula sa Pateros BSP Council at kalahok sa BSP Jamboree.
Batay sa ulat, ang insidente ay naganap dakong alas-9 ng umaga sa kahabaan ng national highway ng Brgy. Bibingkahan sa naturang lungsod.
Kasalukuyang minamaneho ng driver na si Ferdinand Teodoro, 38, ng Marikina City ang Revo Wagon na sinasakyan ng mga biktima nang maganap ang sakuna.
Ang mga biktima ay galing pa sa Metro Manila at nagtungo sa nasabing lungsod upang lumahok sa gaganaping BSP Jamboree.
Bigla na lamang nagloko ang makina ng sasakyan bago nawalan ng kontrol hanggang sa bumaligtad ito nang malubak sa isang malalim na kanal. (Ulat ni Joy Cantos)