Kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal ang mga suspek na sina Lucero Cabisan, 73, Carmelina Medina, 45, at anak na pansamantalang hindi ibinunyag ang pangalan dahil sa menor-de-edad.
Ayon kay P/Supt. George Galano, police director na bago salakayin ang bahay ng mga suspek ay nagsagawa ng paniniktik para makasigurong nagpapakalat ng bawal na droga ang tatlo sa kanilang barangay.
Matapos na maging positibo ay agad na kumuha ng search warrant ang mga awtoridad na nagresulta sa pagkakakumpiska ng 21 sachets ng shabu, cellphone at kalahating kilong puting pulbos na pinaniniwalaang amonium nitrate para sa pampasabog. (Ulat ni Lino dela Cruz)