Ang biktimang estudyante na dumulog sa opisina ni Mayor Ramon Pagdanganan ay nakilalang si Jinky Victoria, samantalang ang suspek na lango pa sa alak nang isagawa ang pananakit ay si Joel Ramos, 33, may asawa at kapwa residente ng nabanggit na barangay.
Base sa ulat, biniro ng biktima ang suspek na masyadong mabagal magmakinilya kaya nairita ito at humantong sa pananakit laban sa dalaga at naging sanhi para magkaroon ng galos at pasa sa katawan. (Ulat ni Efren Alcantara)