3 preso pumuga
August 3, 2003 | 12:00am
CAMP ALEJO SANTOS, Bulacan Tatlong kababaihang preso na may mga kasong iniuugnay sa bawal na droga ang iniulat na pumuga mula sa municipal jail ng Norzagaray makaraang lagariin ang rehas na bakal sa likurang bahagi ng kanilang selda noong Miyerkules ng madaling-araw.
Kasalukuyang tinutugis ng pulisya ang mga presong sina Mary Ann Duena, Evangeline Medalle at Jovy Montino na pawang residente ng Norzagaray Bulacan.
Sinibak naman sa puwesto sina P/Chief Insp. Noli Pacheco, police chief; SPO4 Luzviminda Punzal at PO1 Enrique Lajom na kapwa guwardiya, nang makatakas ang tatlong preso.
Napag-alaman na pinilit ng pulisya na itago sa publiko ang pangyayari pero sa hindi maipaliwanag na dahilan ay sumingaw ang jailbreak.
May teorya ang pulisya na hindi napansin ng mga guwardiya na nilagare ang likurang bahagi ng rehas na bakal saka isinagawa ang jailbreak. (Ulat ni Efren Alcantara)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest