Sa 23-pahinang desisyon ng Supreme Court, pinagtibay ang naunang desisyon ng Cabanatuan City Regional Trial Court Branch 29 na patawan ng hatol na bitay si Cirilo Magallona.
Si Magallano ay napatunayang naghagis ng granada sa bahay ni Rosendo Arimbuyutan Sr. na ikinasawi ng anak nitong si Resty at ikinasugat ng malubha ng apat pang miyembro ng pamilya.
Binalewala naman ng Korte Suprema ang depensa ni Magallona na nagsabing hindi niya kilala ang dalawang tumestigo laban sa kanya.
Gayunman, binigyang timbang ng Supreme Court ang salaysay ng mga testigo na ang akusado ay siyang umaaligid sa bahay ng pamilya Arimbuyutan bago pa maganap ang pagsabog. (Ulat ni Grace dela Cruz)