^

Probinsiya

KFR lider todas sa shootout, 3 tauhan sumuko

-
CAMP CRAME – Napaslang ang isang pinaghihinalaang lider ng isang notorious na kidnap-for-ransom (KFR) gang habang sumuko naman ang tatlo nitong tauhan matapos ang ilang minutong shootout sa pagitan ng grupo ng mga kidnappers at ng mga awtoridad sa General Santos City kamakalawa.

Kinilala ang nasawing suspek na si Vic Isagani Gandao alyas Commander Jariki Gandao/Vic Loedin, 36-anyos, itinuturong lider ng KFR gang na sangkot sa serye ng kidnapping, robbery/hold-up, carnapping at kilala rin sa pagiging extortionist sa SOCSARGEN (Saranggani, Cotabato at General Santos City) area.

Ang mga nagsisuko nitong tauhan ay nakilala namang sina Adduljabar Sumagka, 25; Hajar Ali, 26 at Antonio Villapancana, 18.

Batay sa ulat, dakong alas-3:30 ng madaling nang maganap ang shootout sa Purok Wak-Wak sa Brgy. Baluan ng nasabing lungsod matapos masabat ng pinagsanib na mga elemento ng Saranggani Provincial Police Office (SPPO), Special Operations Group (SOG) at General Santos City Police ang mga suspek.

Nabatid na sa halip na sumuko ay nakipagbarilan pa si Commander Jariki sa mga operatiba ng pulisya na nagresulta sa pagtatamo nito ng malubhang sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Si Commander Jariki ay namatay habang dinadala sa General Santos City District Hospital.

Napilitan namang sumuko ang tatlo nitong tauhan matapos makorner ng mga operatiba ng pulisya sa kanilang pinagtataguan. (Ulat ni Joy Cantos)

ADDULJABAR SUMAGKA

ANTONIO VILLAPANCANA

COMMANDER JARIKI

COMMANDER JARIKI GANDAO

GENERAL SANTOS CITY

GENERAL SANTOS CITY DISTRICT HOSPITAL

GENERAL SANTOS CITY POLICE

HAJAR ALI

JOY CANTOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with