^

Probinsiya

Trike vs jeep: 2 patay

-
PAMPANGA – Dalawa-katao ang iniulat na nasawi, samantala, isa naman ang nasa kritikal na kondisyon makaraang salpukin ang traysikel na sinasakyan ng mga biktima ng dyip sa Barangay San Nicolas, Magalang, Pampanga kamakalawa ng umaga.

Hindi na umabot pa ng buhay sa Balitucan District Hospital ang mga biktimang sina Sonny Lansang at Mark Pineda na kapwa residente ng Bagong Bayan Subdivision, Angeles City, samantala, si Sim Lansang na driver ng traysikel na may plakang CS4310 ay inoobserbahan sa nasabing ospital.

Base sa ulat ng pulisya, biglang nag-overtake ang traysikel sa dyip na may plakang CNW-713 pero sumabit sa kaliwang bumper kaya nabangga saka tumilapon ng may ilang metro. (Ulat ni Pesie Miñoza)

vuukle comment

ANGELES CITY

BAGONG BAYAN SUBDIVISION

BALITUCAN DISTRICT HOSPITAL

BARANGAY SAN NICOLAS

DALAWA

MAGALANG

MARK PINEDA

PAMPANGA

PESIE MI

SIM LANSANG

SONNY LANSANG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with