17 bayan sa Northern Samar kuta ng droga
July 28, 2003 | 12:00am
CATARMAN, Northern Samar Ipinahayag ni P/Superintendent Alberto Mendador, police provincial director na ang 24 munisipalidad sa Northern Samar ay 17 dito ay kublihan ng bawal na droga.
Ayon sa ulat ng pulisya, kabilang sa pinagkukutaan ng droga ay ang mga bayan ng Catarman, Mondragon, San Roque, Pambujan, Laoang, Catubig, Gamay, Bobon, San Jose, Rosario, Lavezares, Allen, Victoria, San Isidro, Biri, San Antonio at Capul.
Napag-alaman na ang pinakasentro ng operasyon ng bawal na droga ay ang bayan ng Catarman, Allen at Laoang.
Sinabi pa ni Mendador na aabot sa 300 tulak, users at mga drug lord ang kasalukuyang matindi ang modus operandi at naitala sa listahan ng pulisya pero pansamantalang hindi ibinunyag ang mga pangalan para hindi maantala ang isinasagawang operasyon.
Sa pagbubulgar ng isang tulak na ngayon ay nakapiit, ang kanilang drug lord na tubong Catarman na nakabase sa Maynila ay may malakas na koneksyon sa hanay ng PNP provincial command kaya madaling nalalaman ang ikinikilos ng pulisya laban sa bawal na droga.
Pero hindi nito ibinulgar ang mga pangalan sa takot na likidahin sa loob ng selda.
Isiniwalat din ng tulak na tumangging ibigay ang kanyang pangalan na misteryosong nakapuga ang nadakip na numero unong tulak na si Francisco Celespara sa bayan ng Bobon.
ipinag-utos naman ni Mendador ang malawakang manhunt laban kay Celespara para malaman kung sinu-sino ang nasa likod ng jailbreak. (Ulat ni Eladio Perfecto)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Recommended