3 Indons nasabat sa Tawi-tawi
July 17, 2003 | 12:00am
ZAMBOANGA CITY Tatlong Indonesian national na pinaniniwalaang nagsasagawa ng illegal fishing ang dinakip ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard makaraang pumasok sa teritoryo ng bansa sa karagatang sakop ng Tawi-Tawi malapit sa hangganan ng Malaysia noong Biyernes.
Kasalukuyang nakakulong para sa disposisyon ng Bureau of Immigration and Deportation (BID) ang mga naarestong mangingisda na sina Jupriada Sanneng, Dempar Edris at Raphy Jainah na walang maipakitang dokumento nang masabat sa naturang karagatan.
Sinabi ni Brig. General Benedicto Corona, hepe ng Marine Forces South (MARFORSOUTH) na namataan ng mga awtoridad ang bangkang may tatak na 23/24 na pumapasok sa teritoryo ng bansa.
Lalo pang pinaigting ang pagpapatrolya sa mga baybaying-dagat ng Zamboanga, Basilan at Jolo para mapigilang tumakas papalabas ng bansa ang grupo ng Abu Sayyaf. (Ulat ni Roel D. Pareño)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest