Crown Peak sa SBMA pinutulan ng kuryente
July 16, 2003 | 12:00am
SUBIC BAY FREEPORT Ibinasura ng Olongapo City Regional Trial Court (RTC) ang kasong isinampa ng kilalang establisimyento sa Subic Bay Freeport Zone laban sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA), kasabay ang pagkansela sa court injunction na pumipigil na kolektahin ang P250 milyong pagkakautang.
Sa tatlong-pahinang desisyon ni Executive Judge Ramon Caguia, hindi mapapayagan ng alinmang korte na manatiling tulog ang kaso, isaalang-alang pa na nagpabaya ang Crown Peak Estate Developers (CPED) na makakuha ng writ of preliminary injuction mula sa Court of Appeals (CA).
Bunsod nito ay pinutulan ng linya ng kuryente ng SBMA ang lahat ng pasilidad na inuupahan ng Crown Peak sa Upper Cubi, Subic Bay Freeport Zone.
Napag-alaman sa official records ng SBMA accounting department, lumalabas na mula Disyembre, 1996 hanggang sa kasalukuyan ay aabot sa P44 milyon ang utang ng Crown Peak sa SBMA.
Ang kaso ay nagsimula nang tahasang tumanggi ang Crown Peak Estate Developers (CPED) na bayaran ang utang nito sa SBMA makaraang makakuha ng temporary restraining order sa korte noong Hunyo 21, 2001.
Iniakyat ng Crown Peak ang kaso sa Court of Appeals (CA) nang ibasura ng Olongapo Regional Trial Court ang inihaing mosyon na humihiling na ideklarang nagkulang ang SBMA sa obligasyon, sa halip ay tinanggap ng mababang korte ang pleadings at sagot ng SBMA sa kaso.
Bunsod nito ay nagbanta naman ang lahat ng mga hotel tenants sa Crown Peak sa pangunguna ng isang Regen Endaluz na magsasampa sila ng reklamo laban sa hotel management partikular sa may-ari nito dahil sa inilihim ang tunay na kalagayan ng establisimyento at ang kinasasangkutan nitong kaso. (Ulat ni Jeff Tombado)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest