Holdaper patay sa pulis

CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, Bulacan – Isa sa limang holdaper ng pampasaherong aircon bus ang iniulat na nasawi makaraang mabaril ng pasaherong pulis sa kahabaan ng Quirino Highway na sakop ng Barangay Sto. Cristo ng lungsod na ito kamakalawa ng gabi.

Hindi naman nabatid ang pagkikilanlan sa holdaper, samantala, nasugatan naman ang pulis na si SPO4 Vicente Lasam matapos na masaksak ng isa mga holdaper.

Nasaksak din ang konduktor ng aircon bus na si Renato Bilbao makaraang makipaglaban sa limang holdaper bandang alas-11:30 ng gabi.

Napag-alaman sa ulat ng pulisya na mabilis na nagpulasan ang mga holdaper matapos na makitang duguang bumulagta ang kanilang kasama. (Ulat ni Efren Alcantara)

Show comments