Kuya tinodas ni bunso dahil sa lupaing sinasaka

Isang 37-anyos na lalaki ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng sariling kapatid na bunso matapos magtalo sa lupaing sinasaka sa Sitio Macalantas, Barangay Sampaloc, Tanay, Rizal.

Apat na tama ng bala ng baril sa katawan ang kumitil sa buhay ni Alex Vasquez, samantala, nagtamo ng maraming saksak sa katawan si Charlie Velasquez, 35, na nasa kritikal na kondisyon.

Sa ulat ni P/Chief Insp. Cesar Lico, bago pa maganap ang krimen ay nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang magkapatid tungkol sa lupaing sinasaka na iminungkahi ng biktima na ipagbili pero hindi pumayag ang suspek hanggang sa magkainitan bago naganap ang pamamaslang. (Ulat ni Edwin Balasa)

Show comments