^

Probinsiya

Newsman itinumba sa labas ng bahay

-
TARLAC CITY – Isa na namang kolumnista ng lingguhang tabloid ang iniulat na pinagbabaril hanggang sa mapatay ng nag-iisang hindi kilalang killer habang ang biktima ay nakatayo sa labas ng sariling bahay sa Barangay Caramutan, La Paz, Tarlac noong Martes ng gabi.

Si Bonifacio Gregorio, 55 ay itinumba bandang alas-7:30 ng gabi ilang minuto matapos na maghapunan kasama ang asawang si Gertrudes, 55; dalawang anak na sina Ma. Aurora Rosario, 31, nurse sa London; at Bonnie Fernando, 29.

Ang biktima ay nagsilbing laboratory technician sa Bureau of Land noong 1972 hanggang 1975 bago naging village chief ng Barangay Caramutan sa loob ng siyam na taon simula noong 1989 to 1997.

Nabatid na tatlong taon din naging kolumnista ng Dyaryo Banat ang biktima at miyembro ng Tarlac Media Association (TAMA).

Napag-alaman na si Gregorio ay tatlong beses na binaril ng malapitan sa ulo bago agad na isinugod sa La Paz District Hospital at idineklarang patay matapos na ilipat sa Ramos General Hospital.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumalabas na professional killer ang gumawa ng krimen dahil palakad na lumayo na animo’y walang nangyari.

Napag-alaman na ang biktima ay kilalang bumabatikos kay La Paz Mayor Dionisio Manuel partikular na ang conversion ng palayan para maging memorial park na pinaniniwalaang pag-aari ng pamilya Manuel.

Nagkataon naman na ang memorial park na tinawag na Garden of Heaven na pinasinayan noong Martes ay nasabay sa pagkakapatay kay Gregorio.

Mariing sinabi ni Mayor Manuel na wala siyang kinalaman sa naganap na krimen at handang isailalim sa imbestigasyon. (Ulat ni Benjie Villa)

vuukle comment

AURORA ROSARIO

BARANGAY CARAMUTAN

BENJIE VILLA

BONNIE FERNANDO

BUREAU OF LAND

DYARYO BANAT

GARDEN OF HEAVEN

GREGORIO

LA PAZ

LA PAZ DISTRICT HOSPITAL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with