Hindi na naisalba pa ng mga doctor sa Mark James Hospital ang buhay ni Teodulo Marges, 39, samantala, ang mag-utol na suspek na agad na tumakas ay nakilalang sina Bernardo Espinelli at Guillermo Espinelli, kapwa barangay tanod ng nasabing lugar.
Sa pagsisiyasat ni SPO4 Renato Arenas, nagtungo si Bernardo sa barangay hall para magbantay pero pinauwi siya ng biktima dahil sa lango ito sa alak.
Dahil sa napahiya si Bernardo ay nagmamadaling umuwi at nang bumalik sa barangay hall, kasama ang utol na si Guillermo ay isinagawa ang pamamaslang. (Ulat ni Cristina G. Timbang)