DILG hiniling kumilos vs abusadong barangay officials
July 5, 2003 | 12:00am
Hiniling ng isang developer kay DILG Secretary Joey Lina na imbestigahan si barangay chairman Benjamin Baylon at mga kagawad nito dahil sa pag-abuso sa tungkulin ng pilitin silang magbigay ng right of way mula sa nabili nilang lote sa Canlubang estate sa Barangay Mapagong, Calamba City.
Siniguro naman ng tanggapan ni Sec. Lina na aatasan nito si Director Isabelita Abcede, director for national barangay affairs, upang imbestigahan ang reklamo ng Peak Development laban kay chairman Baylon at konseho nito matapos magpasa ng resolusyon na humihingi ng right of way.
Ayon sa reklamo ng Peak Development, pinipilit sila ni bgy. chairman Baylon at kagawad nito na mag-donate ng 3 metro x 50 metro na right of way para magamit na short cut ng mga residente palabas ng Silangan exit sa Calamba.
Sinabi naman ni Atty. Samuel Samuela, Calamba legal counsel na hindi saklaw ng kapangyarihan ng barangay na pilitin ang sinumang private owner upang mag-donate ng lupa.
Winika pa ng abugado ng city council, dapat ay magpasalamat ang mga residente sa Peak Development dahil ipinagamit sa mga ito ang lote para maging short cut palabas ng expressway kahit pansamantala pero hindi nila puwedeng pilitin na magbigay ito ng right of way dahil private property ito.
Umaasa naman ang Peak Development na mapapatawan ng kaparusahan ang mga barangay officials na ito sa sandaling lumitaw na umabuso sila sa kanilang tungkulin.
Anila, dahil sa mga panggigipit na ito ng mga barangay officials ay natatakot tuloy ang mga investors na mamuhunan sa Calamba sa pangamba na gipitin din sila ng mga ito. (Ulat ni Rudy Andal)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest